BUMOTO ng YES !

Upang mapanatiling   UFCW Local 401 ang inyong Unyon!

Maaring alam nyo na noong  Miyerkoles , March 3, 2021, ang  Alberta Labour Relations Board  ay nag poste ng 2 abiso.

Ang unang ay ang pag -aabiso sa mga  Trochu Meats workers na ang  employer ay lumabag sa batas  tungkol sa kanilang  “pre-vote messaging”, noong April 21, 2020. Na kung saan ang Trochu Meats ay nag saad sa kanilang pananalita na , “maski mawala ang unyon ang , employer ay pwedeng basawan ang sahod ng hindi lumalabag sa kontratang pang-gawa  ng employer (constructive dismissal).” Ngunit sa katunayan , pwede nilang bawasan ang sahod sa resonableng pag aabiso  na kung saan walang kolektibong  kasunduan  ( union contract ) na nakatalaga. 

Ang pangalawang abiso  ay ang ipaalam sa mga mangagawa ang panibagong pag Pag BOTO .Ang labour Board ay mag- papadala ng Balota via koreo simula  sa darating na Miyerkoles , March 10,  dahil ito sa paglabag ng batas panggawa ng inyong employer.

Lahat ng nag- tatrabaho sa planta ay may karapatang bumoto.  Hindi kasali rito ang opisina , klerikal at ang mga empleyadong ahente ng sales  .

Kung mga gusto ninyong ipagpatuloy ang Kontrata ng Unyon at makipag-negosasyon ng bagong kontrata nitong  January , kinakailangang BUMOTO kayo ng YES!  

Ang pag boto ng NO ay nangangahulugan na ang employer ay may kakayahang tanggalin lahat ng benepisyo na nakalagay sa inyong kontrata , at mag kakaroon kalang ng  kaunting proteksyon sa batas  ng mga pamantayan sa pagtatrabaho.

Ayon sa batas ng pamantayan sa pagtatrabaho, wala kang magiging proteksyon  sa hindi makatarungang pag- aalis sayo sa trabaho, Karapatan lamang ng employer mo na bigyan ka ng 2 lingong abiso , walang proteksyon sa sahod at walang kolektibong kasunduan sa benepisyo.

Dito sa Canada, kung may Unyon ka, mayroong kang malakas at matibay na boses! 

Ipaglaban ang inyong Karapatan !