Trochu Meats -Linggong Garantiya

Weekly Guarantee

Hi, Noong mga nakaraang araw , Ang mga Representatib ng Unyon ay tumatawag sa inyo, at kami ay nag- hahanda sa darating na botohan upang kayo ay mapanatiling miyembro ng Unyong Lokal UFCW 401.

Gusto naming gamitin ang mga oras bago mag- botohan,upang maipaliwanag sa inyo kung ano ang Kolektibong  Kasunduan (Kontrata) at kung ano ang makukuha ninyo sa pamamagitan ng Kontrata ng Unyon.

Ang Kolektibong kasunduan sa pag-gawa ay proseso ng negosasyon sa pagitan ng organisadong  mangagawa at ng  employer. Ang inyong kontrata ay mag- eexpire  sa katapusan nitong taon at kina- kailangang makipag-sundo sa kasunduan.

Ang Kolektibong kasunduan ay kontratang kasulatan na naka-saad  ang inyong Karapatan bilang organisadong mangagawa ng Sunterra Foods ng Trochu.

Ang Kolektibong Kasunduan  ay may mga Artikulo na nag po-protekta sa inyong Karapatan kagaya ng mga sumusunod:

  1. Kaligtasan sa Trabaho
  2. Kada- linggong garantiya ng sahod 
  3. Dignidad at patas na pagtingin sa bawat mangagawa
  4. Ang pag- liban sa Trabaho kung namatayan at ang bayad  sa pag- liban kung namatayan 
  5. Siguridad at proteksyon sa trabaho
  6. Proteksyon at  hindi maaring ibaba ang sahod , na kung saan ito ay protektado ng inyong kontrata sa Unyon (Ang ibang kumpanya na walang union , ginagamit ang pandemya na dahilan upang bawasan ang kanilang sahod)
  7. Ang bayad sa Doctor’s note 
  8. Ang pag babayad ng tama sa mga skilled na trabaho

Isang example na artikulo sa inyong kolektibong kontrata ay ang “Article 6 “– Ang kada- linggong Garantiya 

Ang Artikulong ito ay nag sasaad na kayo ay garantiyang makakakuha ng 36 oras na trabaho, ngunit ang Trochu meats ay puwede nitong palitan ng 32 oras, 10 beses  sa loob ng isang taon, at kinakailangan nilang ipaaalam sa inyo ang  pagbabago bago mag Biyernes, isang linggo bago baguhin ang pagbabago.

Ang Garantiya ay nalalapat lamang sa mga full-time na empleyado  na nag-tatarabaho  sa unang iskedyul ng  “work week.” At ang garantiya ay puwedeng  mabawasan kung mag- kakaroon ng shutdown ng operasyon sa pasilidad, kagaya ng pag-kasira ang equipment,  pag-kawala ng kuryente  o pag-kawala ang supply ng tubig

Ang  garantiya ng oras  ay nag-papatungkol na mayroong kayong minimum na 32 oras  sa isang linggo, maliban kung mag- kakaroon ng pag- kasira ng equiptment, kawalan ng kuryente o di kaya’y kawalan ng tubig.

Napag-alaman namin na ang Arikulong ito ay naging isang problema sa bawat empleyado, sa ngayon kami ay nakikipag -usap sa employer upang mai-ayos ang isyu. Kung sa tingin ninyo na hindi kayo  nabayaran ng maayos, mag bigay ng picture ng paystub at ibigay sa inyong Shop steward upang mai-record  at maka-kuha at maibalik ang  karampatang kabayaran .

Ang Kolektibong kasunduan ay mag-eexpire sa darating na Disyembre 31, 2021 ng taong ito, at ito ay hindi matatapos hanggang hindi kayo bumuboto sa bagong kontrata ng Unyon.

Hihingi kami sa inyo ng mga suggestions ng gusto ninyong  makitang mabago sa inyong pinag-tatrabahuhan . Tandaan , mayroon kayong boses sa inyong trabaho bilang Unyong mangagawa. Sa pagkakataong ito, magtatrabaho kami kasama ang inyong tulong upang mapaganda, maiayos ang mga lenguwahe at kapaki-pakinabang na kontrata.

Sa ating susunod na pag – uusap , kami ay makikipag-ugnayan sa inyo upang ipaliwanag sa inyo kung bakit kinakailangan ninyong bumoto ngayong darating na linggo. Kung mayroong kayong katanungan , tawagan ang inyong Union Representative – Tony Evangelista , maari ninyo siyang tawagan ;  

Cell phone : 403.588.5990   email : tevangelista@ufcw401.ab.ca.  

Maraming Salamat po!