For English version CLICK HERE.
Ang mga empleyado ng Aramark ay may unyon na! Ang ibig sabihin nito ay makikipagnegosasyon na sila sa mga namamahala ng Aramark sa ika labing siyam at dalawampu ng Hunyo. Ang mga aktibista ng unyon na empleyado ng Bethany Aramark kasama ang mga propesyonal na union negotiators ay pumunta sa pagpupulong na ginanap sa pagitan ng unyon at namamahala ng Aramark. Masaya ang mga miyembro. Sila ay nagkaisa para sabihin sa namamahala ng Aramark na ang sweldo, benepisyo, at kundisyon sa trabaho ay kailangang mapabuti. Sinasabi sa batas na kinakailangang ng namamahala ng Aramark na makipagnegosasyon sa unyon. Bago nagkaroon ng unyon ang mga empleyado ay kailangan gawin kung ano ang sabihin sa kanila o umalis ka.Ngayon, ang mga empleyado ng Aramark ay may pagkakaisa at nasasabi na nila ang kanilang nasasaloob ng walang takot.
Ang litrato sa taas inyong makikita ang mga katrabaho nyo na dumalo sa pakikipagnegosasyon kasama ng UFCW Local 401 Union Organizer and representative Catherine Lelis. Sa mga empleyado na mas kumportable na magsalita ng Tagalog, pinapaliwanag sa kanila ni Catherine ang proseso.
Ang mga bargaining committee simula sa kaliwa hanggang kanan ay sina
Ang Local 401 ay nagpadala rin ng propesyonal na negotiator, dalawang special labour relations officer at isang bargaining communication para makiharap sa negosasyon.
Ang Union Representatives ay mayroong dalawapung isyu na kinilala na kinailangan tugunan ng namamahala sa Aramark para maayos ito.
Ang Aramark ay isang Global company na mayroong 270,000 na empleyado, Ang kinita nila noong nakaraang taon ay $3.9 billion, ang Aramark CEO na si Eric Foss ay kumita ng $16,321,759 nung taong 2017.
Ang Aramark din ay nagpapatayo ng bagong waterfront headquarters sa Philadelphia. Kasama dito ang “state of the art†pasilidad ng mga empleyado, fitness centre at 8,000 square feet exterior terraces.
Subalit ang sweldo at benepisyo ng Aramark ay hindi maganda. Labis labis ang trabaho at ang mga empleyado ay di tinatratong tama at walang respeto. Ang kumpanya ay inamin na ang kanilang manager na si Mike Quiano ay walang ingat sa mahalagang isyu sa pagkapribado at batas sa pagkapribado.Ngunit sya ay di natanggal sa kanyang posisyon ngunit ang isang manggagawa ang natanggal sa dahilang sya ay nagusisa sa isang dokumento na hindi naitago ng maayos ni Mike. Sa halip na kausapin ang empleyado ito ay tinaggal sa trabaho. Sa kasamaang palad wala pa syng collective agreement na magpoprotekta sa kanya. Kung ang Aramark ay mahabagin at makatarungan sa manggagawa hindi sya mawawalan ng trabaho.Nung ito ay naitanong sa namamahala ng Aramark malamig ang kanilang sagot. Araw araw sinasabi sa mga empleyado na sila ay maging compassionate at mabait sa mga residente.
Bakit hind maging compassionate at mabait ang mga Aramark bosses sa mga masisipag nilang manggagawa?
Ang kumpanya ay kinatawanan sa bargaining table ni Steven Leonoff – National Director of Labour Relations para Aramark. Siya ay nagmula pa sa Toronto para dumalo sa pagtitipon. Siya ay medyo desente sa pakikinig at may sapat na boses. Ngunit kami ay nag aalala sapagkat parang hindi sapat ang kanilang kaalaman sa kanilang negosyo. Ni hindi nila maipaliwanag ang company policy para sa mga uniporme ng mga manggagawa.
Ang unyon ay humarap ng nakahanda sa contract proposal at handa rin itong ipaliwanag sa kanila. Subalit ang kumpanya ay hindi handa at sinasabi nilang hindi ito kailangan.Ang kumpanya ay kailangan respetuhin ang unyon naaayon sa batas dito sa Canada.Ang ibang empleyado sa Bethany ay nirerepresenta ng Alberta Union of Professional Employees. Ang Aramark ngayon ay nirerepresenta na ng UFCW na mayroong espesyal na kaalaman sa trabaho na inyong ginagawa. Sinasabi ng Aramark na handa silang makipagnegosasyon sa UFCW. Sa simula sinubukan nilang manipulahin para maiwasan magbigay ng mas mahusay na sahod at benepisyo sa pamamagitan ng unyon.Sinubukan rin nila ito sa University of Calgary ngunit malakas ang unyon. Ang kanilang empleyado sa University na nagbibigay serbisyo sa pagkain ay mayroong magandang benepisyo na walang bayad na galling sa kanilang bulsa.
Ang Aramark ay isang malaking kumpanya na kaya kayong tratuhin ng maayos. Mayroon silang pera ngunit kayong mga manggagawa ay mayroong pagkakaisa at puso. Pagkakaisa at pagkakaroon ng puso ay laging gumagana. Magkaisa tayo dahil sa pagkakaisa tayo ay mapapabuti sa Aramark.
Posted on: June 21,2018